2008 Paninindigan ng Mga Boses ng Imigrante
From Mobilize the Immigrant Vote
Ginawa ng Mobilisahin ang Boto ng Imigrante (MIV) Pagtutulungan sa California ang Paninindigan na ito upang tukuyin ang mga usaping mahalaga sa mga komunidad ng imigranteng may mababang kita. Gusto naming magbigay ng kagamitan para sa mga indibidwal upang gamitin sa pagpapasiya kung paano bumoto sa mga usapin sa balota. Ginawa namin ang dokumentong ito na may ambag na impormasyon mula sa mga miyembro ng komunidad, mga kasamang organisasyon, at mga kaalyado sa buong estado. Maaaring gamitin ng mga imigranteng may mababang kita at mga taong may kulay ang kanilang boto upang gumawa ng mga positibong pagbabago sa California sa mga usaping mahalaga sa kanila. Ipinakikita ng ating mga boto sa mga panukala sa balota ang ating mga priyoridad at pinapahalagahan. Lahat ng tao, anuman ang kalagayan sa imigrasyon, ay may karapatan sa de-kalidad na edukasyon, magandang trabaho, pangangalaga sa kalusugan, mga benepisyong panlipunan, abot-kayang pabahay, malinis na kapaligiran, at dignidad ng tao. Ang ating pinagsasaluhang mga pinapahalagahan ay komunidad, pamilya, kalusugan, hustisya, pagkakapantaypantay, sariling determinasyon at demokrasya.
- Sa Paghahanda sa Pagboto, Tanungin Sa Sarili Ang mga Sumusunod
- Susuportahan ba ng panukalang ito o sasaktan ang mga mahinang komunidad?
- Ano ang pangmatagalang epekto?
- Sino ang mga tagasuporta? Sino ang mga sumasalungat? Ano ang nalalaman mo tungkol sa mga grupong ito?
- Paano ipagtatanggol, igagalang, at tutuparin ng gobyerno ang mga karapatang pantao sa pamamagitan nitong panukala? Mababawasan ba ang pondo sa mga importanteng programang panlipunan?
- Mapag-iisa ba ng panukalang ito ang mga imigrante at mga komunidad na pinanganak sa U.S.?
De-kalidad at Abot-kayang Edukasyon
Karapat-dapat ang kabataan sa edukasyong gumagalang sa mga kasaysayan ng kanilang mga komunidad, nagtuturo ng mapanuring pag-iisip, at sumusuporta sa mga guro sa pamamagitan ng sapat na kita (living wage). Dapat aktibong makakalahok ang mga magulang at mga estudyante sa at paunlarin ang edukasyon ng kanilang anak at kanilang sariling edukasyon.
- Magbigay ng may katuturan sa kulturang kurikulum, kabilang ang bilinguwal na edukasyon.
- Gawing abot-kaya ang edukasyon para sa mga bata pa at nakatatandang may-gulang. Suportahan ang mga nagtatrabahong magulang gamit ang de-kalidad at abot-kayang pangangalaga sa bata at mga programa pagkatapos-ng-pasok.
- Tapusin ang pagbabantay ng pulis sa mga paaralan.
- Dagdagan ang mga pagkakataon upang makapasok ang mga kabataan sa kolehiyo, kabilang ang mahigpit at makatuturang kurikulum at mas maraming access sa tulong pinansyal.
De-kalidad na mga Trabaho para sa mga Manggagawa sa California
Bawat trabaho ay marangal at dapat igalang. Dapat makayang ibigay ng lahat ng mga taga-California ang mga pangunahing pangangailangan para sa kanilang sarili at mga pamilya at makapag-ipon para sa magandang kinabukasan.
- Gumawa ng mga trabaho at mga programang pagsasanay para sa mga imigrante at mga taong may kulay, kabilang ang mga klaseng ESL na tumutulong sa mga imigranteng maghanda para sa puwersang manggagawa.
- Lubusang ipatupad ang mga karapatan ng manggagawa sa ilalim ng batas.
- Ayusin ang proseso upang maipagpatuloy ng mga imigrante ang kanilang mga karera sa U.S.
- Suportahan ang mga sentro ng pang-araw na trabaho at pagpapalawak sa mga karapatan ng mga domestikong manggagawa sa lugar ng trabaho
Pangangalaga sa Kalusugan at mga Benepisyong Panlipunan
Ang pangangalaga sa kalusugan ay karapatang pantao. Dapat may access ang lahat sa de-kalidad na pangangalaga sa kalusugan at mga benepisyong panlipunan.
- Tiyakin ang access sa mura o libreng pangangalaga sa kalusugan at pagkakasakop, na may impormasyon sa mga pangunahing lengguwahe ng mga pasyente
- Panatilihin at lubusang pondohan ang serbisyong panlipunang “safety net” (mga serbisyong tulong upang maiwasang maghirap ang mga tao) para sa lahat.
- Bigyan ng access ang mga imigranteng kababaihan at mga batang babaeng may mababang kita sa impormasyon angkop sa kultura na kailangan upang makagawa ng mga nakababatid na desisyon tungkol sa kanilang mga karapatan at kalusugang pangreproduktibo. Ang kalusugang pangreproduktibo ay kailangang maging ahalagang bahagi ng safety net o mga serbisyong tulong ng ating estado upang maiwasang maghirap ang mga tao.
Malinis, Maaaring Tirhan at Abot-Kayang Pabahay
Lahat ng mga komunidad, anuman ang kalagayan sa imigrasyon, ay may karapatang manirahan sa tirahang ligtas, abotkaya para sa mga pamilyang mababa ang kita, at malapit sa kung saan sila nagtatrabaho.
- Dagdagan ang pondong galing sa gobyerno upang panatilihin, imantine, at magpatayo ng abot-kaya at ligtas na pabahay.
- Palawakin, protektahan, at ipatupad ang mga karapatan ng mga umuupa.
- Maghanap ng mga alternatibong modelo ng pabahay para sa mga imigranteng mababa ang kita at mga taong may kulay kabilang ang pagmamay-ari ng lupa, kolektibong pagmamay-ari, mga housing co-op, at mga community land trust.
- Itaguyod ang responsableng pag-unlad na gumagawa ng mga magandang trabaho, pabahay, at transportasyon para sa mga komunidad na mababa ang kita
Malinis na Kapaligiran
Ang mga imigrante at mga taong may kulay ay dimakatwirang naaapektuhan ng mga panganib at polusyon sa kapaligiran. Lahat ng tao ay may karapatan sa mga alinis na kapaligiran kung saan tayo naninirahan, nagtatrabaho, naglalaro, nagdarasal, at pumapasok sa paaralan.
- Tapusin ang produksiyon at pagtatapon ng mga lason, mga mapanganib na dumi, mga materyal na nuclear, at polusyon.
- Igalang ang mga sagradong lugar at sariling determinasyon ng mga katutubo at lahat ng mga tao.
- Tapusin ang pagsasamantala sa ating mga pondo, mga giyera, at ibang di-makatwirang mga patakaran na siyang mga ugat ng ating krisis pang-ekolohiya, lokal at pandaigdig.
- Mamuhunan sa masusustenahang pagpaplano at pagunlad na nagbabawas sa paggamit ng ating mga pondo at gumagawa ng mga de-kalidad na trabaho sa “berdeng industriya.”
Pagprotekta at Pagpapalawak sa mga Karapatang Pantao at Karapatang Sibil
Dapat tratuhin ang lahat ng mga komunidad nang may paggalang at dignidad anuman ang lahi, relihiyon, kalagayan sa imigrasyon, kasarian, sekswal na pagkakagusto, pinanggalingang bansa, edad, o kapansanan.
- Itaguyod ang mga patakaran sa apirmatibong aksyon, na nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga nasa bingit na komunidad.
- Tapusin ang mapagpiling pagpapatupad ng batas.
- Garantiyahan ang makatarungang proseso at ang karapatan sa makatarungang pagdinig para sa lahat ng tao, kabilang ang karapatan sa apela at agarang pagtatapos sa walang takdang panahong detensyon at di-makatwirang deportasyon.
- Tiyaking hindi isasailalim ng mga awtoridad ng gobyerno ang sinuman sa malupit o mapang-abusong pagtrato o pagpapahirap.
Mga Pakataran sa Imigrasyon na Tumatrato sa mga Imigrante Nang May Dignidad
Ganap na makikilahok ang mga imigrante sa ating lipunan at makapag-ambag sa ating kalusugang pang-ekonomiya. Ang U.S. ay dapat ligtas na kanlungan mula sa persekusyon. Lahat tayo ay talunan kapag ipinagkakait ang ganap na pagkamamamayan sa mga imigrante, mga taong tumatakas sa panganib at mga taong tumatakas sa sariling bansa sa kadahilanang pulitikal.
- Ialok ang makatarungang daan sa pagkamamamayan nang walang mahal na babayarin at mga multa, na may espesyal na pagbibigay-diin sa pagsasamang muli ng mga pamilya sa mas mabilis at simpleng paraan.
- Pataasin ang pakikilahok ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapalawak sa mga serbisyo sa naturalisasyon, mga klaseng ESL, at mga materyal at serbisyong makukuha sa sariling lengguwhae.
- Madaliang pagtigil sa karahasan laban sa mga imigrante at sa nakapaligid na komunidad kasama ang pagpigil ng mga raid at militarisasyon ng ating mga komunidad sa border, sa mga siyudad at mga bukid.

