Gabay sa Botante para sa Eleksyon sa Ika-4 ng Nob. 2008

From Mobilize the Immigrant Vote!

Jump to: navigation, search
2899571078_69be5278a9_m.jpg
magnify-clip.png
Download Voter Guide (PDF File, 0.5 MB)

Mobilize the Immigrant Vote Campaign 2008 . www.mivcalifornia.org . Voter Guide for November 4th 2008 Elections

Gabay sa Botante Aking Boto, Ating Kinabukasan

Gamitin ang iyong boto upang suportahan ang mga isyu sa balota na tumutugon sa pinakahamalagang mga pangangailangan ng mga imigrante at kanilang mga pamilya --- de-kalidad na edukasyon, magandang trabaho, pangangalaga sa kalusugan, benepisyong panlipunan, murang pabahay, malinis na kapaligiran, at dignidad ng tao.

para sa Eleksyon sa Ika-4 ng Nob. 2008

HANAPIN ANG MGA ITO SA LOOB:

  • Impormasyon tungkol sa mga isyu sa balota ngayong Araw ng Eleksyon!
  • Pagpasiyahan kung paano bumoto!
  • Impormasyong maibabahagi mo sa iyong komunidad, pamilya at mga kaibigan!

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kampanyang MIV pumunta sa: www.mivcalifornia.org

Kapag bumoto ka sa MARTES IKA-4 NG NOBYEMBRE

Nagsasalita ka para sa iyong sarili, sa iyong pamilya, at sa iyong komunidad! Bukas ang mga presinto 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi Maari ka Ring...

  • Gumawa ng mga kopya at ipamahagi ang gabay na ito sa mga pagdiriwang sa komunidad!
  • Dalhin ang gabay na ito sa lugar ng botohan!
  • Para sa karagdagang gabay, bisitahin ang www.mivcalifornia.org upang maghanap ng kalahok na organisasyon sa iyong lugar.

Ang Ating Tinig ay Kritikal sa Araw ng Eleksyon. Gumawa ng Aksyon -- BUMOTO sa Ika-4 ng Nobyembre!


Contents

Tungkol Sa Gabay Na Ito

Ang gabay na ito ay isinulat upang gawing mas madaling maintindihan ng lahat ang mga isyu sa Balota. Umaasa kami na makakatulong sa iyo ang impormasyon at mga rekomendasyon sa gabay na ito upang maintindihan mo ang mga isyu sa balota na mapapakinabangan ng mga imigranteng mababa ang kita at walang kapangyarihan na mga komunidad, at yaong mga magsapanganib sa kanila.

Ang pagboto ay isang paraan lamang para makatawag ng pansin. Kailangan nating manatiling nagpapakaabala sa komunidad pagkatapos ng Araw ng Eleksyon upang tumulong na gumawa ng mga pangmatagalang pagbabago na kailangan nating lahat upang mabuhay nang malusog at kasiyasiyang buhay.

PAANO GINAWA ANG GABAY NA ITO

Gamit ang impormasyon mula sa mga miyembro ng komunidad, mga kasamang organisasyon, at mga kaalyado, gumawa ang Komiteng Nagsasaayos sa Mobilisahin ang Boto ng Imigrante (MIV [Mobilize the Immigrant Vote]) ng Plataporma ng mga Tinig ng Imigrante (tingnan ang pahina 4-5) na bumabalangkas sa ating mga pinakamahalagang isyu at mga pagpapahalaga upang tumulong na ipaliwanag ang aming mga rekomendasyon sa mga partikular na inisyatibo sa balota. Siyam sa labingdawalang inisyatibo sa balota sa buong estado sa ika-4 ng Nobyembre ay kaugnay ng mga isyu sa aming plataporma. Nagdaos kami ng mga Pagtitipon upang suriin ang mga Isyu sa buong estado, inimbitahan ang mga komunidad ng imigrante at mga komunidad ng kulay na may mababang kita -- mga manggagawa, magulang at estudyante --- upang talakayin at suriin ang epekto ng mga inisyatibong ito sa ating mga komunidad. Kumuha kami ng mga impormasyon mula sa mga miyembro ng komunidad sa mga pagtitipong ito, kinausap ang mga kaalyado, at pinagaralan ang aming sariling plataporma upang bumuo ng mga rekomendasyon sa pagboto para sa buklet na ito.

Ang aming rekomendasyong “OO” ay ginawa batay sa paniniwalang makakatulong ang inisyatibo sa mga komunidad ng imigranteng may mababang kita. Ang aming rekomendasyong “HINDI” ay ginawa batay sa paniniwalang makakasama ang inisyatibo sa mga komunidad ng imigranteng may mababang kita. Ang walang kinikilingang posisyon ay nangangahulugang hindi namin narinig ang pagkakasundo sa mga miyembro ng komunidad at mga kaalyado, at ipinasiya ng aming kolaburasyon na mas makabu-buting hindi gumawa ng tiyak na rekomendasyon. Tutulungan ka ng gabay na ito na magpasiya para sa iyong sarili. fHinihimok ka naming talakayin ang lahat ng mga isyu sa balota kasama ng iba sa iyong komunidad upang makabuo ng iyong desisyon sa pagboto.

Para sa impormasyon sa tatlong inisyatibo sa balota sa buong estado na hindi sakop nitong gabay sa botante, mangyaring puntahan ang www.easyvoter.org

SA KAMPANYANG MIV

  • PROP 4 HINDI: Pagkakait sa Kabataan ng Access sa Pangangalaga sa Kalusugan
  • PROP 5 OO: Pondo para sa Rehabilitasyon, Hindi Mga Kulungan
  • PROP 6 HINDI:Gawing Kriminal ang mga Kabataan at Imigrante (Inisyatibong Runner)
  • PROP 8 HINDI: Pagkakait ng mga Karapatan sa Magkasintahang Pareho ang Kasarian
  • PROP 9 HINDI: Paglimita sa mga Pangkonstitusyong Karapatan sa Makatwirang Proseso
  • PROP 10 HINDI: Pondo upang Itaguyod ang Alternatibong Enerhiya at Panggatong
  • PROP 11 HINDI: Redistricting

May tatlong inisyatibo sa balota sa buong estado na hindi kaugnay sa ating mga isyu sa plataporma ang hindi sakop sa gabay sa botante. Para sa impormasyon tungkol sa mga Proposition 1, 2, at 12, mangyaring puntahan ang www.easyvoter.org.

Proposition 3: Pondo para sa mga Ospital ng mga Bata

Pinapahintulutan ng Proposition 3 ang $980,000,000 sa mga bond, na babayaran mula sa Pangkalahatang Pondo ng Estado, upang pondohan ang konstruksiyon, pagpapalawak, pagreretoke, pagkukumpuni, at pagbili ng mga muwebles at kagamitan ng mga ospital ng mga bata. Ang bond ay isang utang ng estado sa mga mayayamang mamumuhunan o mga pribadong bangko, na ipinapangako ng estadong babayaran niya nang may tubo. Dapat aprubahan ng mga botante ang mga bond dahil babayaran ng mga botante ang bond sa pamamagitan ng kanilang mga buwis, na sa halip sana ay magagamit upang pondohan ang ibang mga programa o serbisyo.

80% ng mga pondo ay ilalaan sa mga ospital na walang pagtubuan upang masilbihan ang maraming mga nakikinabang sa Medi-Cal at ibang hindi gaanong nasisilbihang mga miyembro ng ating mga komunidad. Gayunpaman, hindi magiging karapat-dapat na tumanggap ng mga pondong ito ang mga klinika sa komunidad at mga ospital ng county, na madalas na siyang mga tagakaloob ng serbisyong pangangalaga sa kalusugan para sa mga komunidad na mababa ang kita. Nababahala ang ilang mga nagtataguyod ng pangangalaga sa kalusugan na karamihan sa perang ito ay gagamitin para sa mga bagong kagamitan sa halip na para sa pagpapalawak ng mga serbisyo. Naniniwala kami sa pagdaragdag ng access sa de-kalidad na pangangalaga sa kalusugan para sa mga taong mababa ang kita, kabilang ang mga imigrante. Gayunpaman may pagkabalisa kami na hindi matutugunan ng mga pondong ito ang pinakamahalagang mga pangangailangan para sa pangangalaga sa kalusugan ng ating mga komunidad.

Nananatili kaming walang kinikilingan sa Prop . 3

Proposition 4: Pagkakait sa Mga Kabataan ng Access sa Pangangalaga sa Kalusugan

Sa ngayon, ang isang babaeng hindi pa umaabot sa edad na 18 ay maaaring pumunta sa isang tagakaloob ng serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan upang magpalaglag kung pipiliin niyang gawin ito. Ito ay karapatan ng mga batang babae batay sa Konstitusyon ng California. Papalitan ng Prop. 4 ang batas at hihingin sa isang tagakaloob ng serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan na ipaalam sa mga magulang o mga tagapag-alaga ng isang batang babae nang kahit na 48 oras man lamang bago magpalaglag.

Inaamin namin na maaaring kontrobersyal at napakapersonal ng isyung ito. Naniniwala din kami na ginagamit ito upang hatiin ang ating mga komunidad. Sa aming mga talakayan kasama ng mga miyembro ng komunidad sa buong estado, sumang-ayon ang mga tao na ang paghimok sa mas mabuting komunikasyon sa pamilya ay isang mabuting layunin. Subalit hindi binibigyan ng inisyatibo ang mga magulang ng mga paraan ng pakikipag-usap sa kanilang mga anak o pondo upang turuan ang kabataan tungkol sa kanilang kalusugang pangreproduktibo. Nagkaroon din ng mga pagkabahala na patataasin ng inisyatibong ito ang mga hadlang sa pag-access sa mga serbisyo sa kalusugang pangreproduktibo at maaaring puwersahin ang mga batang babaeng gumamit ng mga di-ligtas na opsyon. Naniniwala kami na dapat may mas maraming access ang mga babae sa pagsansala na pangangalaga sa kalusugan pati na ang karapatang gawin ang kanilang sariling mga desisyon tungkol sa kanilang kalusugang pangreproduktibo.

Inirerekomenda namin ang: Hindi sa PROP. 4

Proposition 5: Pondo para sa Rehabilitasyon, Hindi Mga Kulungan

Babaguhin ng inisyatibong ito ang mga pamamaraan sa parole at paghahatol para sa mga di-marahas na nagkasala kaugnay sa droga, at patataasin ang pondo para sa ginawang pang-indibidwal na paggamot at rehabilitasyon. Magbibigay ito ng mga pondo partikular para sa mga paggamot kaugnay sa droga, mga programa ng suporta para sa mga nanganganib na kabataan at patnubayang muli ang mas maraming taong nahatulan sa mga menor na pagkakasala sa mga paggamot na programang base-sa-komunidad. Ayon sa opisina ng Tagasuring Panglehislatibo (Legislative Analyst), ito ay makakabawas sa bilang ng mga di-marahas na nagkasala na ipinapadala sa mga kulungan at makatitipid ng pera ng Estado dahil mas kaunting kulungan ang kakailanganing ipatayo.

Tinutugunan ng Proposition 5 ang pang-aabuso ng droga higit bilang isyu sa kalusugan kaysa bilang krimen. Makakatulong itong tugunan ang nangingilalim na mga problema ng pagkalulong at pabutihin ang kalusugan ng ating mga komunidad sa paglalaan ng mas maraming pera para sa rehabilitasyon at paggamot at mas kaunti para sa mga kulungan.

Inirerekomenda namin ang: OO sa PROP. 5

Proposition 6: Gawing Kriminal ang mga Kabataan at Imigrante (Inisyatibong Runner)

Nakapako ang Proposition 6 sa mga kulungan at mas mabigat na parusa bilang solusyon sa krimen, sa halip na pagsansala at rehabilitasyon. Daragdagan ng Prop. 6 ang pondo para sa mga kulungan, daragdagan ang mga parusang kriminal para sa ilang mga krimen, at magtatatag ng rehistro ng gang sa buong estado. Ang mga kabataang labing-apat o nakatatanda na nakasuhan ng krimen “kaugnay sa gang” ay awtomatikong lilitisin bilang nasa hustong gulang, kahit pa para sa di-marahas na krimen lamang. Pagbabawalan ang mga grupo sa komunidad na magbigay ng impormasyon sa rehabilitasyon ng kabataan. Magtatakda ang Prop. 6 ng mga pangkonstitusyong karapatan sa pagkakait ng piyansa sa lahat ng mga imigranteng inaakalang walang mga papeles, kahit na hindi pa sila nakasuhan o nahatulan ng krimen. Hihingin din nito sa mga lokal na opisyal na nagpapatupad ng batas na itala ang kalagayan sa imigrasyon ng sinumang nahuli, o nahatulan ng krimen, sumusuporta sa pagtutulungan sa pagitan ng mga opisyal ng imigrasyon at lokal na tagapagpatupad ng batas. Maaari itong humantong sa pagdami ng deportasyon at mas maraming paghihiwalay ng pamilya.

Mapipinsala ng Prop. 6 ang ating mga komunidad dahil di-makatarungan nitong pinupuntirya ang mga imigrante, kabataan, mga may kulay na taong mababa ang kita, at inaalis ang pera sa badyet ng estado na sana ay susuporta sa edukasyon at mga programang pangkalusugan.

Inirerekomenda namin ang: Hindi sa Prop . 6

Proposition 7: Pagpaparami ng Produksyon ng Napapanibagong Enerhiya

Ipinag-uutos ng mga kasalukuyang batas sa California na sa taong 2010, 20% ng enerhiyang tinatanggap natin sa pamamagitan ng ating mga linya ng kuryente ay dapat manggaling mula sa mga napapanibago at mas malinis na mapagkukunan, gaya ng enerhiyang solar, hangin, geothermal, at hydroelectric. Ipag-uutos ng proposisyong ito na doblehin ng mga tagakaloob ang hinihinging ito, na pumapatak sa 40% sa taong 2020 at 50% sa taong 2025. Ilalagay ang mga paghihigpit sa pagpasa ng mga gastos na ito sa mga tagakonsumo, na may sukdulang 3% antas ng pagtaas.

Sang-ayon kami na mayroong madaliang pangangailangang sa pagpalit sa mas mabuting mga mapagkukunan ng enerhiya para sa mga darating na henerasyon. Mahalaga ang produksyon ng napapanibagong enerhiya para sa mas malinis na kapaligiran at kapakanan ng ating mga komunidad. Subalit, kontrobersyal ang proposisyong ito sa mga organisasyong nagsisikap upang mapabuti ang kapaligiran sa komunidad ng kulay, kung saan di-makatwirang mas mataas ang mga epekto ng kontaminasyon at polusyon. Sa kasalukuyan hindi sapat na nabibilang sa paggawa ng mga di-napapanibagong enerhiya ang pinaka-madaling maapektuhang mga komunidad sa pagdedesisyon, madalas na humahantong sa pagpapaalis at/o kontaminasyon para sa mga komunidad na mababa ang kitang may kulay at mga imigrante. Hindi isinasama ng proposisyong ito ang mga kondisyon upang tugunan ang isyung ito, at sa katunayan ay binabawasan ang oras na inilalaan para sa pagrerepaso at mungkahi ng publiko.

Inirerekomenda namin ang: Hindi sa Prop . 7

Proposition 8: Pagkakait ng mga Karapatan sa Mag-asawang Pareho ang Kasarian

Kamakailan lamang ipinagpasiya ng Korte Suprema ng California na hindi ayon sa konstitusyon at may pagtatangi-tangi ang pagkakait sa karapatan ng mga mag-asawang pareho ang kasarian. Isusulat na muli ng Prop. 8 ang Konstitusyon ng California upang ang pagpapakasal lamang ng isang lalaki sa isang babae ang tunay o kikilalanin sa California - hinahayaan ang diskriminasyon laban sa mga mag-asawang pareho ang kasarian at pagkakait sa kanila ng respeto, dignidad at mga benepisyong kasama sa pag-aasawa. Ipinapangako ng kasakuluyang Konstitusyon ng California ang parehong mga saligang karapatan at kalayaan sa lahat, at walang anumang grupo ang maaaring piliin para sa di-makatwirang pagtrato. Parurupukin ng Prop. 8 ang pangakong ito at pipiliin ang isang grupo ng tao -- mga mag-asawang pareho ang kasarian -- para sa di-pantay na pagtrato ayon sa batas.

Sumang-ayon ang mga miyembro ng komunidad sa aming mga Pagtitipon upang Suriin ang mga Isyu sa buong estado na ito ay isyu tungkol sa karapatang sibil at hindi namin matatanggap ang diskriminasyon laban sa sinuman. Tinututulan namin ang mga pagsisikap na hatiin ang ating mga komunidad at ipagkait ang saligang mga karapatan sa sinumang miyembro ng lipunan.

Inirerekomenda namin ang: Hindi sa Prop . 8

Proposition 9: Pagtatakda sa mga Pangkonstitusyong Karapatan sa Makatwirang Proseso

Ang California ay may mga napakatibay na batas na nagpoprotekta sa mga karapatan ng mga biktima ng krimen. Kabilang sa Proposition 9 ang ilang probisyon upang palawakin ang mga karapatan ng mga biktima, subalit mayroon din makahulugang pagtatakda sa mga karapatan ng mga taong nahatulan sa krimen ayon sa konstitusyon. Para sa mga taong karapatdapat sa parole, babawasan nito ang bilang ng mga pagdinig para sa parole mula sa minsan bawat taon hanggang minsan bawat 3-15 taon. Gagawin din nitong mas mahirap mapalaya sa piyansa o mabigyan ng parole sa pagpapalawak sa mga pamantayang dapat matugunan. Tatanggalin din nito ang karapatan sa libreng legal na tulong para sa mga taong mababa ang kita na nasa mga pagdinig para sa pagbawi ng parole.

Mas aapektuhan ng proposisyong ito ang mga komunidad na mababa ang kita at mga komunidad ng kulay. Bagaman mahalaga ang mga karapatan ng mga biktima ng krimen, mahalaga ding mabigyan ang lahat ng makatwirang pagkakataon sa proseso ng hustisya. Kaysa sa mas mahabang panahon sa kulungan, dapat ipokus ng ating estado ang rehabilitasyon upang positibong manumbalik sa lipunan ang mga taong nahatulan ng krimen.

Inirerekomenda namin ang: Hindi sa Prop . 9

Proposition 10: Pondo upang Itaguyod ang Alternatibong Enerhiya at Panggatong

Ibibigay ng Proposition 10 ang $5 bilyon sa mga bond, na babayaran mula sa Pangkalahatang Pondo ng Estado, upang bayaran ang mga pangganyak sa pagtataguyod sa alternatibong enerhiya at panggatong para sa mas malinis na kapaligiran. Isasama nito ang mga pondo sa pagbili ng mga sasakyang gumagamit ng alternatibong panggatong; pananaliksik, paggawa, at teknolohiya para sa alternatibong enerhiya at panggatong; at higit pa. Ang bond ay isang utang ng estado sa mga mayayamang mamumuhunan o mga pribadong bangko, na ipinapangako ng estadong babayaran nang may tubo. Dapat aprubahan ng mga botante ang mga bond dahil babayaran ng mga botante ang bond sa pamamagitan ng kanilang mga buwis, na sa halip sana ay magagamit upang pondohan ang ibang mga programa o serbisyo.

Ang pagpalit sa mga sasakyang hindi gumagamit ng maraming gasolina o gumagamit ng alternatibong panggatong ay isang mahalagang hakbang sa pagbabawas ng polusyon at mga epekto nito sa kalusugan. Gayunpaman, nababahala kami na masyadong umaasa ang proposisyong ito sa mga nagbabayad ng buwis. Sa paghahambing, kukunin sana ng Proposition 87 noong 2006 (nabigo) ang pondong kailangan para sa mga insentibo sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa mga kumpanya ng langis, sa halip na mula sa mga pera ng nagbabayad ng buwis. Naniniwala kami na dapat mamuhunan nang higit pa ang pribadong sektor sa mga bagong teknolohiya, kaysa ipasa ang gastos sa publiko.

Inirerekomenda namin ang: Hindi sa Prop . 10

Proposition 11: Redistricting

Babaguhin ng Proposition 11 ang paraan kung paano pagpasiyahan ng California ang mga hangganan ng mga distrito para sa ilang mga hinahalal na opisina. Tuwing 10 taon, gumagamit ang Lehislatura ng impormasyon mula sa sensus tungkol sa mga pagbabago sa populasyon upang iguhit-muli ang mga linya ng hangganan. Tinatawag itong redistricting. Sa kasalukuyan, iginuguhit ng Lehislatura ng Estado ang mga linya ng distrito. Isang puna sa kasalukuyang proseso ay maraming distrito ang naiguhit kung kaya’t binubuo ang mga ito ng napakaraming mga botanteng kaanib sa isang partidong politika, na magsamasama ng kapangyarihang pang-eleksiyon sa partidong iyon sa ilang mga distrito. Ayon sa Proposition 11, aalisin ang responsibilidad ng pagguhit sa mga linya ng ditrito para sa Kapulungan ng Estado at Senado mula sa mga nahalal na opisyal ng Lehislatura. Bubuo ang Prop. 11 ng Independiyenteng komisyon ng mga boluntaryong mamamayan na magpapasiya sa mga linya ng hangganan para sa mga Lehislatibong distrito ng California, at magtatatag ng mga bagong patakaran upang pagpasiyahan kung paano maiguhit ang mga hangganan.

Bagaman sumasang-ayon ang MIV na kailangan ang pagbabago sa redistricting upang gawing mas makatarungan ang mga eleksyon at mas mananagot ang mga politiko, hindi gumagawa ang Proposition 11 ng sapat upang magarantiyahan na ang mga taong may kulay, kababaihan, at mga taong may mababang kita ay magkakaroon ng sapat na kinatawan sa 14-taong komisyon. Hindi din nito tinitiyak nang sapat na mapoprotektahan ng mga bagong patakaran ang mga karapatan sa pagboto ng mga minoryang komunidad, at maaring lumikha ng panganib na mahahati ang ating mga komunidad sa iba’t ibang distrito na magiging dahilan na manghina ang lakas ng ating boto.

Inirerekomenda namin ang: Hindi sa Prop . 11

restricted
top banner