Mga Katotohanan tungkol sa Senso para sa mga Pamilyang Dayuhan
From Mobilize the Immigrant Vote
- Ang Senso ay isang maikling pagsusuri para matiyak ang saligang impormasyon tungkol sa lahat ng nakatira sa Estados Unidos.
- Ang Senso ay isang pagsusuri na kinukumpleto ng gobyerno ng U.S. tuwing sampung taon para matiyak kung paano gagamitin ang mga kayamanan ng gobyerno at ilang kinatawang pulitika ay madestino sa bawa’t lugar. Sampung minutos lang ang kinakailangan para makumpleto ang pagsusuri.
- Isang pagsusuri lamang sa bawa’t pambahayan. Kung mga ilang pamilya ang nakatira sa isang apartment at/o magkasama sa isang tirahan, nabibilang sila na isang pambahayan lamang at kailangan na pagsamahan ang pagkumpleto ng isang pagsusuri.
- Ang mga sagot sa Senso ay lubusang kompidensiyal.
- Hindi ipapakita ang inyong mga sagot sa pagsusuri sa inyong propyetaryo, maypatrabaho, mga opisyal ng imigrasyon, o mga ibang opisyal ng gobyerno. Ayon sa batas, ano mang ahensya ng gobyerno na humihingi ng personal na impormasyon ay kailangan maghintay ng 72 na taon.
- Lahat ng mga dayuhan at mga pamilya kailangan magkumpleto ng Senso.
- Ang Senso ay itinalaga para mabilang ang lahat nang nakatira sa Estados Unidos, sa kabila ng kalagayang imigrasyon. Inaasahan ang lahat ng tao na nakatira sa U.S. na makumpleto nila ang pagsusuri.
- Masmadali kung makumpleto ang pagsusuri ka-agad. Mula sa ika-20 ng Mayo, maaari na bibisitahin kayo ng manggagawa ng Senso na anim na beses kung di pa nakumpleto ang pagsusuri ng inyong sambahayan.
- Mapapakinabang ang mga dayuhang pamilya pag nakumpleto ang pagsusuri ng Senso! Ikumpleto ninyo ang inyong pagsusuri ngayon!
- Ginagamit ng Senso ang estadistika para matiyak nila kung magkanong pera ang ibibigay sa mga komunidad para sa mga eskuwelahan, mga ospital, mga klinika ng kalusugan at mga trabaho.
- Noong nakaraan, madalas na kulang ang pagbilang ng mga dayuhan. Noong 2000, may mga milyon na tao na hindi nabilang, mainly minorities and low-income families, ang resulta ay ilang milyon lamang na kayamanan ng gobyerno sa ating mga komunidad.
- Ang pagbilang ng ating komunidad ay magpapakita ng laki at lakas ng mga dayuhang pamilya at mabibigyan tayo ng masmalaking boses!
- May tulong para makumpleto ninyo ang pagsusuri!
- Maraming kapisanang lokal ng komunidad na gumaganap na Lunduyang Pagsagot ng Katanungan, at mayroong nakasulat na mga tagubilin sa mahigit ng isang-daang lengguwahe para sa pagkumpleto ng pagsusuri. Para makahanap ng Lunduyang Pagsagot ng Katanungan, makahingi ng tagubilin, o makausap ng tao, tawag sa: Ingles 1-866-872-6868, Espanyol 1-866-928-2010, Intsik 1-866-935-2010, Koreano 1-866-955-2010, Ruso 1-866-965-2010, Byetnamis 1-866-945-2010, May Kagamitang Magpakitang Telepono para sa mahina ang tainga 1-866-783-2010.
Bahagi galing sa iba-ibang mga pinagkukunan kasama ng Talking Points galing sa Leadership Conference on Civil and Human Rights. Para malaman ng impormasyon tungkol sa Mobilsahin ang Botong Dayuhan, pumunta sa www.mivcalifornia.org o mag- email info@mivcalifornia.org
