Tungkol sa MIV
From Mobilize the Immigrant Vote
Ang Mobilisahin ang Boto ng Imigrante (MIV, Mobilize the Immigrant Vote) na Pagtutulungan sa California ay isang koalisyon ng maraming mga lahi ng mga organisasyong basesa- komunidad sa buong estadong nagsisikap upang irehistro, turuan at mobilisahin ang mga komunidad ng imigrante para sa pakikilahok sa eleksyon. Naniniwala kaming nagdadala ang mga imigrante ng lakas, pagkakaiba-iba, at pang-ekonomiyang tatag sa ating estado at buong bansa, ngunit ang ating mga tinig ay hindi naririnig sa mga mahalagang isyu. Ang pagboto ang isang paraan upang ipabatid ang ating mga priyoridad at upang ipakita ang ating lakas. Kailangan natin ng mas malakas na boses sa Araw ng Eleksyon!
Ang Mobilisahin ang Boto ng Imigrante 2008 na Kampanya sa California ay isinaayos ng: Koalisyon para sa Karapatan ng mga Imigrante sa Bay Area (BAIRC [Bay Area Immigrant Rights Coalition]), Koalisyon para sa Makataong Karapatan ng Imigrante ng Los Angeles (CHIRLA [Coalition for Humane Immigrant Rights of Los Angeles]), Samahan sa California (CAP [California Partnership]), Sentro ng Mapagkukunang Korean (KRC [Korean Resource Center]), Samahan para sa Pamumuno at Aksyon ng Imigrante (PILA [Partnership for Immigrant Leadership & Action]) at Samahan ng Mga Serbisyo, Karapatan ng Imigrante, at Edukasyon (SIREN [Services, Immigrant Rights, & Education Network]).
