Ika-10 na Mungkahi: Sasakyang Gumagamit ng Alternatibong Gasolina at Muling Nagagamit na Enerhiya
From Mobilize the Immigrant Vote!
Ano ito? – Bonds. Sasakyang Gumagamit ng Alternatibong Gasolina at Muling Nagagamit na Enerhiya. Kung ito’y pumasa, ang Ika-10 Mungkahi o Proposition 10 ay mag-ootorisa ng $5 bilyon ng mga bond an babayaran mula sa Pangkalahatang Pondo ng Estado o State’s General Fund para sa pagpupunyagi ng alternatibong enerhiya. Ang mga pondo ay gagamitin sa mga sumusunod:
- 58% -- cash na bayarin upang gamiting insentibo sa mga consumer at mga komapnya upang bumili ng kinikilalang matipid na sasakyang gumagamit ng alternatibong gasolina;
- 20% -- pagsusuri, pagtataguyod, at produksiyon ng teknolohiya ng muling magagamit na enerhiya;
- 11% -- pagsusuri at pagtataguyod ng mga teknolohiya sa paggawa ng mga sasakyang gumagamit ng alternatibong gasolina;
- 5% -- insentibo sa pagbili ng teknolohiyang ito;
- 4% -- mga grant sa walong lungsod tungo sa pagbigay ng edukasyon ukol sa mga teknolohiyang ito;
- at 3% -- mga grant sa mga kolehiyo upang mabigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral sa teknolohiyang ito.
Ang epektong piskal sa estado at lokal na gobyerno ay magiging humigit kumulang sa $9.8 bilyon sa panahong higit sa 30 taon upang mabayaran ang prinsipal ($5 billion) at interes ($4.8 billion) sa bond.
Ano ang sinasabi ng mga sumusporta sa Ika-10 Mungkahi (Proposition 10)?
- Ito’y naghihikayat ng mga mamumuhunan sa mga proyektong magbabawas ng ating pag-aasa sa langis na banyaga at makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin.
- Ito’y tutulong sa California na makamit ang rekuwisitos na inilabas ng Akto ng Solusyon sa Global Warming ng California o California Global Warming Solution Act upang mabawasan ang greenhouse emissions sa buong estado pagdating ng taong 2020.
- Ang gobyerno’y kailangang mgabigay ng insentibo sa pagsusuri, at sa mga consumer at industriya na magtipid ng enerhiya at makahanap ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya.
- Ang pagtitipid ng enerhiya ay tataas kapag nabigyan ng edukasyon ang publiko sa paggamit ng bago at malinis na alternatibo sa enerhiya tulad ng appliances na matipid sa kuryente at ng mga makinang matipid sa mga sasakyan.
Ano ang sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-10 Mungkahi (Proposition10)?
- Ang tanging panalo ay ang industriya ng gumagawa ng mga sasakyan dahil ang malaking bahagi ng pondo ay mapupunta sa mga bagong sasakyan, at ang mas maliit na halaga ang mapupunta sa pagsusuri, pagtataguyod, at produksiyon ng muling magagamit na enerhiya.
- Kasalukuyang humaharap sa pagkukulang ang badyet ng California, at higit na iresponsable na gumawa ng mga bagong pagkakagastusan. Ang ating prayoridad ay dapat sa pag pondo ng programang nabubuhay na at ayusin ang kakulangan.
- Habang higit na mahalaga ang paglahok ng gobyerno sa pagbabawas ng greenhouse emissions, ang pribadong sector ay kailangang magbigay ng kayamanan tungo sa pagbabawas ng pag-asa sa langis na banyaga.
- Habang ang inisyatibong ito ay humahanap ng pagbabawas ng konsumo ng petrolyo, ang sukat na ito’y hindi nagbibigay ng mga makinarya na magagamit sa pagpapalaganap nito.
Sinong sumusuporta sa Ika-10 Mungkahi (Proposition 10)? Walang nahanap sa kasalukuyan
Sinong sumasalungat sa Ika-10 Mungkahi (Proposition 10)? “Consumer Watchdog” (malamang)
((Hindi Kabuuang Listahan)