Ika-11 na Mungkahi: Pagbabago ng distrito
From Mobilize the Immigrant Vote!
Ano ito? – Pagbabago ng distrito. Sa kasalukuyan, ang mga linya ng pagbabago ng distrito ay iginuguhit para sa kongreso at Senado ng Estado, Asemblya at Lupon ng Pagkakapantay-pantay kada sampung taon. Itong mga linya ng distrito ay iginuhit ng Lehislatura ng Estado ng California sa pamamagitan ng isang pagsasanay na tinatawag na "gerrymandering," na binubuo ng mga partidong gumagawa ng mga kasunduan sa kanila na kinukuha itong mga "swing" na distritong elektoral at ginagawang ligtas o "safe" na distritong elektoral – na nagreresulta sa, halimbawa, sa pagsasama ng distrito A na mayoridad na Republican na distrito at and distrito B na palaganap na Democrat na distrito. Kung maipasa ang Ika-11 Mungkahi (Proposition 11), ang mga sumusunod na pagbabago ang gagawin sa proseso ng pagbabago ng mga distrito:
- Lilikha ng dalawang bakasan ng proseso ng pagbabago ng distritona kung saan isang bagong 14-miyembrong lupon ang siyang guguhit ng mga bagong hangganan ng mgs distrito para sa lehislatibo ng estado at ng mga distrito ng Lupon ng Pagkakapantay-pantay, habang ang lehislatura ng estado ay magtatatag ng mga bagong hangganan para sa mga distrito ng Kongreso
- Ang nag-iisang 14—miyembrong lupon ng pagbabago ng distrito ay pipiliin mula sa lupon ng 60 na kandidato (20 Democrat, 20 Republican, 20 iba) na pinili na isang pangkat ng nagsusuri ng mga oditor ng estado.
- Ang publiko ay mabibigyan ng pagkakataong mapag-usapan ang mga mungkahi sa mga pmapublikong pagdinig
Ano ang sinasabi ng mga sumusporta sa Ika-11 Mungkahi (Proposition 11)? Ang tawag ditto ng mga sumusuporta nito ay ang Unang Akto ng Botante ng California o “California Voters First Act”.
- Itoy’ magtatanggal ng mga higit na malaking balakib, na pumapayag na ang mga mababatas ang siyang gumawa ng sarili nilang pagguhit ng mga hangganan ng kanilang distrito na siyang nagbibigay-daan sa gerrymandering
- Sa mga nakaraang eleksyon 99% ng mga politikong kasalukuyang nakaupo sa puwesto ay muling nanalo sa eleksyon nang dahil sa pansariling pagpili ng distrito
- Sa pagbabago nitong batas na ito, ang pagbabago ng pagdistrito ay magbibbigay-daan sa pangangasiwa ng mga mababatas na mula sa gitna hindi sa mga malalayung hangganan
- Ang sukat na ito’y magpapataas ng antas ng paglilinaw at hiindi na kontrolado ng partidong namumuno
- Ang 14-miyembrong lupon ay magiging balnse sa political na aspeto: 5 Democrat, 5 Republican, and 4 iba
- Ang Oditor ng Estado ang siyang magpapaliit ng listahan ng aplikante base sa kuwalipikasyon at pagkaka-iba-iba
Ano ang sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-11 mungkahi (Proposition 11)?
- Inilalagay ang minoridad na botante sa panghuli. Ito’y isang maling strtehiya sa pagkamit ng bukas at responsableng pagbabago ng distrito na hindi nakagagarantiya sa pagkaka-iba-iba, galing, o responsibilidad sa loob ng luopon na inilikha nito.
- Puno ito ng mga pangarap na implosibleng makamtan at nakasasakit na patakaran na hindi makakbubuti sa mga sumununod na rason:
- Hindi kasali ang pagbabago ng distrito ng Kongreso na siyang lumilikha ng 2 sistema at 2 magkaibang set ng mga patakaran
- Ang tuntunin ng pagbabago ng distrito ay pumipigil sa Akto ng Karapatan sa Pagboto o Voting Rights Act, na naglalagay ng imposibleng limitasyon sa impormasyong political, at naghaharap ng mga panganib sa komunidad ng mga minorya sa California
- Ang Lupon ay hindi kumakatawan sa pagkakaiba-iba ng California dahil wala itong probisyong hinihiling ito. Sinasabi lang nito na ang mga miyembro ng Lupon ay “mayoong pagbibigay-importansya sa pagkakaiba-iba ng demograpiya at ng heograpiya ng California”
- Higit na komplikadong Proseso ng Pagpili at mga tuntuning lulilikha ng lupon na hindi kuwalipikado
Sinong sumusuporta sa Ika-11 mungkahi (Proposition 11)? Ang bagong pangkat na dalawahang partido ang California Forward, Governor Arnold Schwarzenegger, Steve Westly, dating Controller ng Estado, California Common Cause, League of Women Voters, AARP, LA Chamber of Commerce, ACLU, California Business Roundtable, City of Pasadena Sino ang sumasalungat sa Ika-11 mungkahi (Proposition 11)? NALEO, MALDEF, William C. Velasquez Institute, NAACP, U.S. House Speaker Nancy Pelosi, Assembly Speaker Fabian Nunez, Kevin McCarthy Rep. Bakersfield
(Hindi Kabuuang Listahan)