Ika-3 na Mungkahi: Kasunduan ng Ospital na Pambata

From Mobilize the Immigrant Vote!

Jump to: navigation, search


Ano ito? –Kasunduan ng Ospital na Pambata . Ang Ika-3 Mungkahi (Proposition 3) ay nagbibigay ng $980,000,000 ng mga bond, na muling babayaran mula sa Pangkalahatang Pondo ng Estado o State’s General Fund, upang pondohan ang pagtatayo, pagpapalawak, pagsasaayos, paglalagay ng kasangkapan, at materyales sa mga opsital na pambata. Ang isang bond ay utang sa estado ng mga mayayaman na namumuhunan o ng pribadong bangko, na ipinapangako ng estadong babayaran na may kasamang interes. Ang mga bond ay kailangang aprubado ng mga botante dahil ang mga botante ang siyang nagbabayad ng mga bond sa pamamagitan ng kanilang mga buwis na maaari ding gamitin upang pondohan ang ibang mga programa at serbisyo.

Kung maipasa ang Ika-3 Mungkahi (Proposition 3)80% ng bond ay mapupunta sa mga ospital na tumutukoy sa mga kabataang may mga sakit tulad ng leukemia, kanser, depekto sa puso, dyabetis, sickle cell anemia at cystic fibrosis. Hinihingi nito na ang mga ospital na kuwalipikado ay magbibigay ng palaganap na serbisyo sa malaking bilang ng batang pumasa sa mga programang pang-gobyerno at ng ibang mga rekuwisitos. Ang nalalabing 20% ng makokolekta sa bond ay mapupunta sa mga ospital ng pangmalawakang pag-aalaga ng mga malubhang sakit ng University of California. Ang mga ospital ng mga bata ay kailangang pumasa sa mga sumusunod upang makatanggap ng pondo mula sa bond:

  • Ang pondo ay kailangang gamitin sa pagpapalawak o pagsasaayos ng pangkalusugang pangangalaga na makakamit ng mga batang pumasa sa programang seguro ng pangkalusugan ng gobyerno at mg mahihirap at walang segurong mga bata.
  • Ang pondo ay kailangang mapunta sa pagpapaganda ng pangkalusugang pag-aalaga ng mga bata.
  • Kailangang magbigay ang ospital ng libreng o mababang singil sa mga mahihirap o pampublikong pasyenteng bata.
  • Ang ospital ay kailangang magbigay serbisyo sa mga nasasalakay na populasyon ng mga bata
  • Kailangang ipagpunyagi ng ospital ang pagtuturo at mga programang pagsusuri ukol sa mga bata.


Ano ang sinasabi ng mga sumusporta sa Ika-3 Mungkahi (Proposition 3)? Ito’y magpapalawak sa pagsulong na nagawa na 2004 Kasunduan ng Ospital na Pambata o Children’s Hospital Bond Act, (Ika-61 na Mungkahi o Proposition 61), na pumapayag sa pagbibili ng mga bagong teknolohiya at karagdagang pagpapalawak ng mga pasilidad. Itong mga pagpapagandang ito ay tutulong sa pagpupunyagi ng kalusugan ng mga mahihirap na mga bata sa Estado.

Ano ang sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-3 Mungkahi (Proposition 3)?

  • Karamihan ng pondo ay mapupunta sa kagamitan at hindi sa pagsasaayos o pagpapalawak ng ilan sa mga ospital na ito.
  • Ito ay ang maling pagtukoy sa pagsasaayos ng mga ospital na may kailangan dahil sa wala itong makinarya sa pagbibigay ng mga katulad na pondo sa pagsasaayos ng mga ospital na dala ng gobyernong pederal na tumutunlong sa mga pasyenteng tumatanggap ng Medi-Cal.
  • Habang ang mungkahing ito ay itinutukoy ang pagtulong sa mga ospital, mayroong mga ospital sa mga lungsod na mas higit na nangangailangan ng tulong.



Sinong sumusuporta sa Ika-3 Mungkahi (Proposition 3)? Lahat ng nagbibigay ng higit sa $5,000 sa kampanya ng Ika-3 Mungkahi (Proposition 3) ay mga ospital, katulad ng: Children’s Hospital Los Angeles, Lucile Salter Packard Children’s Hospital at Stanford, Children’s Hospital Central California, Children’s Hospital & Research Center at Oakland, Loma Linda University Children’s Hospital, Rady Children’s Hospital-San Diego, Miller Children’s Hospital, Children’s Hospital of Orange County, California Children’s Hospital Association

Sino ang sumasalungat sa Ika-3 Mungkahi (Proposition 3)?

Walang nahanap sa kasalukuyan.

(Hindi Kabuuang Listahan)

restricted
top banner