Ika-5 na Mungkahi: Mga hindi marahas na Nasasakdal

From Mobilize the Immigrant Vote!

Jump to: navigation, search


Ano ito? – Mga hindi marahas na Nasasakdal. Pagsesentensya, Parole, at Rehabilitasyon. Kung ito’y maipasa, ang mungkahing ito ay hihilingin sa Estado na pataasin ang pondo at pagbantay sa personal na paggamot at rehabilitasyon para sa hindi marahas na parolado at nasasakdal na nalulong sa droga. Ito’y makababawas sa parusang criminal ng hindi marahas na pananakit na dulot ng droga sa pamamagitan ng pagtaguyod ng tatlong antas ng programa ng probaysyon na may kasamang paggamot. Ang Ika-5 Mungkahi o Proposition 5 ay naglalagay ng limitasyon sa kapangyarihan ng hukouman na ipadala ang mga nasasakdal na hindi sumunod sa probaysyon sa bilangguan. Ang Akto ng Rehabilitasyon ng Hindi Marahas na Nasasakdal ng 2008 ay nagpapaikli ng panahon na iginugugol sa parole para sa malaking bilang ng paglabag sa batas na nauukol sa droga, kasama na ang pagbebenta at mga hindi marahas na krimen laban sa mga ari-arian.

Ano ang sinasabi ng mga sumusporta sa Ika-5 Mungkahi (Proposition 5)?

  • Nagbibigay ng tunay sa solusyon sa pagsisikip ng mga bilibid sa California
  • Naglilikha at nagpopondo sa struktura ng pag-aalaga sa mga kabataang may mga problema sa droga
  • Makatitipid ng humigit kumulang $1 bilyon para sa California bawat taon sa loob ng bilangguan sa mga gastusin ng bilibid at parole
  • Ginagawang tunay na prayoridad ang rehabilitasyon
  • Ginagawang higit na madaling makuha ang paggamot ng pagka-adik na base sa mga komunidad ng mga hindi marahas na nakasasakit o nasasakdal

Ano ang sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-5 Mungkahi (Proposition 5)?

  • Hindi ginagawang responsable ang mga nasasakdal sa kanilang mga nagawang pagkakamali
  • Pinahihina ang adhikain ng mga gumagamit ng bawal na gamot upang makakuha ng tulong na kailangan nila
  • Binibigyan ang mga nagbebenta ng droga ang madaling paraan ng paglusot

Sinong sumusuporta sa Ika-5 Mungkahi (Proposition 5)?

California Democratic Party, California State Conference of the NAACP, Mental Health Association in California, American Civil Liberties Union of Southern California, Ella Baker Center for Human Rights, Save Our Sons, Watts Labor Community Action Committee, Wolfe Center/Juvenile Justice Center, Association of Community Human Services Agencies (ACHSA), Miyembro ng Asembli Member Jim Beall (Santa Clara), Superior Court Judge James Gray (Orange County), Senate Majority Leader Gloria Romero, Homeless Health Care Los Angeles, California Association of Addiction Recovery Resources (CAARR), Returning Home Foundation, California Church Impact, Jeanne Woodford (dating warden ng San Quentin), California Society of Addition Medicine (CSAM), Center on Juvenile and Criminal Justice

Sino ang sumasalungat sa Ika-5 Mungkahi (Proposition 5)?

California Narcotics Officers Association, National Association of Drug Court Professionals, Community Anti-Drug Coalitions of America, California Police Chiefs Association (Hindi Kabuuang Listahan)

restricted
top banner