Ika-6 na Mungkahi: Mga Parusang Kriminal at mga Batas
From Mobilize the Immigrant Vote!
Ano ito? – Mga Parusang Kriminal at mga Batas. Kung ito’y pumasa, itong mungkahing ito ay magpaparami ng pondo para sa mga kulungan, lilikha ng mga bagong pansamantalang bilangguan, dadagdagan ang mga parusang kriminal sa mga ibang krimen, at magpapatibay ng rehistrong para sa mga “gang” para sa buong estado at mga prosesong hatol sa mga “gang.” Higit pa diyan, kung pumasa, ang Ika-6 na mIngkahi ay:
- Hihilingin na ang kabataang 14 taong gulang o higit pa na pinapatawan ng may kaugnayan sa “gang” na krimen ay lilitisin na tulad ng mga matanda at ikukulong sa mga bilangguang pang matanda
- Ipagbabawal ang pagpiyansa sa walang dokumentong imigrante na pinapatawan ng “gang-related’ na krimen
- Hihilingin na ang lokal na opisyal na itala ang estado ng imigrasyon ng sino mang ipinapatawan, ikukulong, o na hatulan ng krimen
- Higit na paramihin ang mga parusa sa mga gawaing ititunuturing na may kaugnayan sa “gang,” katulad ng “carjacking” o pagnanakaw ng kotse (mula 15 na taon hanggang panghabambuhay), at “extortion” (mula 7 na taon hanggang pamhabambuhay), kahit na ginamitan ng dahas o hindi
- Kung indibiduwal ang hinatulan ng krimen na pinapatawan ng panghabambuhay na pagka-bilanggo, yung taong iyon ay hindi magkakaroon ng pagkakataong mabawasan ang sentensya sa mabuting pag-aasal o pakikilahok sa mga programang pagtrabaho, pagsasanay, o edukasyon
- Dagdagan ang pondo sa mga bilangguan, pagsubok at pulis sa halagang $952 bilyon, dagdag na 61%
- Pagtanggal ng mga pangkat ng komunidad, paggamot ng pagkalulong sa alcohol o droga at mga pangkaisipang kalusugan sa hustisyang “juvenile” o pambata
- Pagbigay ng taunang pagsusuri ng “background” sa mga nakatanggap ng pederal na pondong pambahay upang makatanggap ng panibagong pondo ang mga county
Ano ang mga sinasabi ng mga sumusuporta sa Ika-6 na Mungkahi?
- Mabilis ang pagdami ng mga krimen sa California at itong mungkahing ito ay tutulong sa higit na pagbawa nito
- Patatamaan ang mga gang kung saan sila naninirahan at makadadagdag ng mga parusa sa mga krimen na nauugnay sa mga gang
- Makakatulong sa pagsustena ng lokal na pulisya, sheriff, district attorney, at mga opisyal ng probation; ito ang mga tao na unang nakaharap sa paglaban sa mga gang at pangangalaga ng kapayapaan sa ating mga kapitbahayan
- Isinasalba ang mga kabataan sa pagsasali sa mga gang at paghinto ng pag-aksaya ng pera ng mga nagbabayad ng buwis sa mga hindi tumatagumpay na programang laban sa mga gang sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng publikong hinirang na Komisyon ng Maagang Pamamagitan at Rehabilitasyon
- Ang Ika-6 na Mungkahi (Prop 6) ay makakatulong sa mga biktima ng mga gang at magbibigay pondo sa “witness protection program”
Ano ang mga sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-6 na Mungkahi (Proposition 6)?
- Matapos ang 10 taon ng Three Strikes, patuloy na tumataas ang bilang ng mga krimen; ito ang patunay na ang pagmamatigas laban sa krimen ay hindi epektibo. Kailangan nating maging matalino laban sa krimen at magturo bago maganap ang krimen, hindi ang pagparusa matapos mangyari
- Ang 61% pagtaas ng pondo ay kukunin sa CA General Fund at sa Education Fund, ibig sabihin, magsasara ng mga paaralan upang magbukas ng mga bilibid
- Umaasa sa mga polisa na hindi nagtagumpay para sa kaligtasan ng publiko
- Hindi makatarungang idinidiin ang mga mahihirap, mga kabataan, mga imigrante, at mga taong may kulay
- Pinagsasamantalahan ang takot sa mga krimen upang masabing ang pagbibilanggo at ang sistema ng pulisya lamang ang solusyon sa paglaban ng krimen at gawain ng mga gang
Sinong sumusuporta sa Ika-6 ng Mungkahi (Proposition 6)? Mga Organisasyon ng Pagpapalaganap ng mga Batas/Lokal na Opisyal na Nagpapapalaganap ng mga Batas/Mga Organisasyon/Mga Lokal na Inihalal na OpisyalLocal Elected Officials (Hindi kabuuang listahan): California Police Chiefs’ Association, California State Sheriffs’ Association, California District Attorneys Association, Chief Peace Officers’ of California, Los Angeles Police Protective League, Sheriffs of Los Angeles County, Crime Victims United, Crime Victims Action Alliance, San Bernardino County Board of Supervisors
Sinong sumasalungat sa Ika-s na Mungkahi (Proposition 6)? Mga Nagpapalaganap ng mga Batas/Mga Inihalal na Opisyal/Mga Indibiduwal/Gobyerno ng mga Lungsod/Mga Labor Union/Mga Organisasyon ng iba’t-ibang Paniniwala/Karapatang Sibil (Hindi kabuuang listahan): Minorities in Law Enforcement, Bernard Parks (former L.A. Police Chief), Congresswoman Barbara Lee, State Senate Majority Leader Gloria Romero, Latino Caucus Chair Joe Coto, Senator Leland Yee, Oakland Mayor Ron Dellum, Mayor Gavin Newsom, Mayor Tom Bates, Dolores Huerta (United Farm Workers), Community Justice Network for Youth, Ella Baker Center for Human Rights, NAACP, California Federation of Teachers, ACLU, ACORN, Progressive Christians United, Progressive Jewish Alliance (Hindi kabuuang Listahan)