Ika-7 na Mungkahi: Muling Magagamit na Enerhiya

From Mobilize the Immigrant Vote!

Jump to: navigation, search


Ano ito? – Muling Magagamit na Enerhiya. Kung maipasa, ang mungkahing ito ay makapagdadagdag ng takdang produksyon ng muling nagagamit na enerhiya sa lahat ng mga probayder ng enerhiya: 40% ng pangkalahatang enerhiyang inani pagdating ng taong 2020 at 50% ng pangkalahatang enerhiyang inani pagdating ng taong 2025 ay kinakailangang nanggaling sa muling nagagagamit at higit na malinis na pinagkukunan tulad ng sa araw, sa hangin, geothermal, biomass, at galing sa tubig. Hindi tulad sa kasalukuyan, itong mga muling nagagamit na takdang produksyon ng enerhiya ay ikakalat din sa mga maliliit na pasilidad na pagmamay-ari ng munisipyo tulad ng Los Angeles at Sacramento. Sa kasalukuyan, ang mga probayder ng enerhiya na pagmamay-ari ng munisipyo ay hindi hinihinging gumamit ng muling magagamit na takdang produksyon ng enerhiya. Ang sukat na ito’y ay hindi reresulta sa higit pa sa 3% pagtaas ng singil sa kuryente, at mapipigilan ang mga probayder ng enerhiya sa pagbawi ng halagang ginastos sa pagtaas ng produksyon sa pamamagitan ng pagtaas ng singil sa mga kumukonsumo. Ang Ika-7 Mungkahi o Prop 7 ay magpapalawak din ng mga parusa sa mga probayder ng enerhiya kung hindi nila makamtan ang mga bagong takda, at lilikha ng mga bukod-tanging account para sa mga perang nakolekta sa mga parusang ginamit sa bagong infrastruktura para pataasin ang muling magagamit na pinagkukunan ng enerhiya. Ano ang sinasabi ng mga sumusporta sa Ika-7 Mungkahi (Proposition 7)?

  • Itong tugon na ito’y papalit sa kalahati ng mga fossil fuel na ginagamit sa paggawa ng kuryente sa California na gumagamit ng malinis na teknolohiya tulad ng galing sa araw, geothermal, sa hangin, biomass, at galing sa tubig, at siyang tumutulong sa pagbawas ng polusyon sa kalikasan
  • Hindi magtataas ng buwis at hindi magkakaroon ng anumang epektong piskal sa badyet ng estado
  • Ang “Solar and Clean Energy Initiative” ay lilikha ng mataas na bilang ng high tech na trabaho at magsusulong ng ekonomiya ng California. Konstraksyon at maintenance na trabahador sa mga planta ng malinis na enerhiya ay babayaran ng sahod na base sa umiiral na halaga. Ang mga solar electric na planta ay nagbibigay ng 160% hanggang 720% na higit na maraming trabaho kaysa sa gas fired na planta
  • Pinananatili ang proteksiyon sa kalikasan, tulad ng Akto ng Pagprotekta sa Disyerto o Desert Protection Act, para hindi maapekto ang mga sensitibong tirahan sa kalikasan ay hindi mapipinsala sa mga bagong pagtatayo ng mga planting ito

Ano ang sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-7 Mungkahi (Proposition 7)?

  • Ang takdang hinahabol na 50% muling magagagmit na kuryente pagdating ng taong 2025 ay imposible
  • Ang mungkahi ay isinasali ang mga mahabang panahon ng kontrata sa muling magagamit na pinagkukunan ng enerhiya patungo sa taunang takda, na magbibigay-daan sa mga korporasyon na lalagda sa kontrata ngunit hindi rin gagamitin ang mas malinis na pinagkukunan ng enerhiya
  • Ito’y nagbibigay ng mabilisang proseso ng pagtaguyod ng mga planta ng malinis na enerhiya na maaaring gamitin sa pag-iwas sa Akto ng Kalidad ng Kalikasan ng California o California Environmental Quality Act at ng Pederal na Akto ng Pangangalaga ng mga Disyerto o Federal Desert Protection Act
  • Mga hindi makabuluhang takda ay pupuwersa sa mga utility na bumili ng muling magagamit na enerhiya sa anumang halaga at pataasin ang presyo nito

Sinong sumusuporta sa Ika-7 Mungkahi (Proposition 7)? Californians for Solar and Clean Energy, Green for All, Los Angeles, Dolores Huerta, Co-Founder United Farm Workers Union, Keith Carson, Alameda County Supervisory, Bevan Dufty, San Francisco Councilmember, John Burton, Former State Senator and President Pro-Termpore Who opposes Proposition 7? Center for Energy Efficiency and Renewable Technologies (CEERT), California League of Conservation Voters, Natural Resources Defense Council, Environmental Defense, Union of Concerned Scientist, Vote Solar Initiative, International Brotherhood of Electrical Workers (five chapters)

(Hindi Kabuuang Listahan)

restricted
top banner