Ika-8 na Mungkahi: Hangganan ng Pagkasal

From Mobilize the Immigrant Vote!

Jump to: navigation, search


Ano ito? - Hangganan ng Pagkasal. Kung ito’y maipasa, ang Ika-8 na Mungkahi (Prop 8) ay magdadagdag ng bagong linguwahe sa pang-estadong saligang-batas: “Ang tanging kinikilala at ligal kasal sa California ay ang siyang namamagitan sa isang babae at isang lalaki lamang.” Ang pagbabagong ito sa saligang-batas ang siyang mangigibabaw sa desisyon ng Korte Suprema ng California na binibigyan ng lisensyang pangkasal ang mga pares na pareho ang kasarian.

Ano ang sinasabi ng mga sumusuporta ng Ika-8 na Mungkahi (Proposition 8)?

  • Base sa pag-aaral, ang mga bata ay nangangailangan ng pagmamahal ng isang ama at ng isang ina upang mabuhay sa isang balanseng pamumuhay, habang ang pamilya na may kaparehong kasarian ay isang hindi pa nasusubukang eksperimento ng lipunan
  • Walang matinding pangangailangan ng pagpapaksal ng mga magkaparehong kasarian dahil 2% lamang ng mga pares sa 9 na ibang bansa na mayroong batas ukol sa kasalan ng isang kasarian ay ang siyang magpapasyang magpakasal
  • Ang tradisyonal na pagpapakasal sa pamamagitan ng babae at lalaki ay siyang tumutulong sa pagtatatag ng mga komunidad, pagsasaayos ng seksuwalidad, pagsasaayos ng tahanan, at nagbibigay daan sa maayos na pagtataguyod ng mga bata
  • Ang kasal sa magkaparehong kasarian ay magdadala ng mga pagbabago sa lahat ng kurikulo ng pampublikong paaralan ng California upang magtangitangi laban sa mga pinahahalagahan ng nakararaming pamilya, at pupuwersahin ang pagtanggap ng kabaklaan o homosexuality at lahat ng mga gawain nito

Ano ang mga sinasabi ng mga sumusalungat sa Ika-8 na Mungkahi (Proposition 8)? Ang tawag dito ng mga katungali nito ay ang Pagbabawal sa Kasalan ng Magkaparehong Kasarian o “Same Sex Marriage Ban”.

  • Ipagkakait nito sa mga pares na magkaparehong kasarian ang benepisyo at dignidad ng pagpapakasal
  • Ipapawalang-bisa nito ang desisyon ng Korte Suprema ng California na makapagpakasal ang mga bakla at lesbyana
  • Ang mga Bakla at Lesbyanang pamilya ay may karapatang magkamit ng respeto at pagkilalang katulad ng ibang mga pamilya
  • Ang kasalan ng mga magkaparehong kasarian ay magkakamit na ng siguradong mahahalagang karapatan at proteksyon para sa aming mga pamilya at mga anak tulad ng 1,138 na benepisyong pederal na natatanggap lamang ng mga kinikilalang kasal na pares
  • Ang batas ng Domestic Partnership ay hindi nagbibigay ng kaparehong seguridad na nakakamit sa kasal at lumiklikha lamang ng mga second-class na pamilya

Sino ang sumusuporta sa Ika-8 Mungkahi (Proposition 8)? Organization for Marriage and Focus on the Family, The Church of Latter Day Saints, California Catholic Conference of Bishops

Sino ang sumasalungat sa Ika-8 na Mungkahi (Proposition 8)? Equality California Coalition, Let California Ring, Equality for All, the Equality California Issues PAC, the Human Rights Campaign, Jon Stryker (Hindi kabuuang Listahan)

restricted
top banner