Ika-9 na Mungkahi: Sistema ng Hustisya Kriminal
From Mobilize the Immigrant Vote!
Ano ito? – Sistema ng Hustisya Kriminal. Mga Karapatan ng mga Biktima. Parole. Kung pumusa, ang Ika-9 ng Mungkahi o Prop 9 ay maglalagay ng susog sa Saligang-Batas ng Estado ng California at nga iba’t-ibang batas sa: 1) Palawakin ang karapatan ng mga biktima ng krimen sa paglikha ng “Panukalang Batas ng mga Karapatan ng mga Biktima,” 2) Limitahan ang maagang pagpapalaya ng mga bilanggo, at 3) Pagbabago ng mga proseso ng pagkakaloob at pagbabawi ng parole.
Ano ang mga sinasabi ng mga sumusuporta sa Ika-9 na Mungkahi? “Marsy’s Law” o Batas ni Marsy ang tawag dito ng mga sumusuporta nito at ipinapasya na ito’y kailangan upang magbigay ng mga karapatang saligang-batas na maisasakatuparan sa mga biktima ng krimen at reporma sa sistema ng parole at pagsesentensya:
- Ginagawang maisakatuparan ang pangangailangang magbigay ang mga Requires law enforcement to provide all victims of crime a “Marsy’s Card” or a “Victim’s Survival and Resource Guide” that will inform victims of their enforceable constitutional rights
- Ginagawang maisakatuparan ang pangangailangang abisuhan ang mga biktima at mabigyan ang mga ito ng pagkakataong makapag-salita sa iba’t-ibang aspeto ng sistema ng hustisya criminal tulad ng pagpiyansa, paghiling, pagsesentensya, at mga pagdinig ng parole
- Pinalalawak ang bilang ng mga taong maaaring dumalo at tumestigo para sa mga biktima sa mga pagdinig ukol sa parole
- Sinisiguro na ang mga bilanggo ay nagsisilbi ng kabuuang sentensya na iniutos ng hukuman at nagbabawas ng mga patakaran ng maagang pagpapalaya
- Pagtatanggal ng mga taunang pagdinig ng parole para sa mga bilanggo na hinatulan ng sentensyang panghabang-buhay na may posibilidad ng parole, sa walang hihigit sa isa sa bawat tatlong taon at maaaring umabot ng 15 taon
Anong mga sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-9 na Mungkahi? Ipinangangatuwiran ng mga sumasalungat sa Ika-9 na Mungkahi (Prop 9) na ito’y katulad lang ng mga ibang batas na naisakatuparan na para sa mga biktima, na malaki ang gugugulin sa pagsasagawa nito, at maaapektuhan nito ang mga ligal na karapatan ng mga nasasakdal:
- Karamihan ng mga iminumungkahing ligal na karapatan ng mga biktima ay nabubuhay na sa diwa o sa susog ng saligang-batas noong 1984 na gumagarantya sa karapatan ng mga biktima. Mas magiging epektibo kung kibigyang-diin ang pagtulong sa sistema ng hustisya kriminal upang maisakatuparan itong mga ligal na karapatang ito
- Sa kasalukuyan, lahat ng mga parolado ay kailangang bigyan ng abogado tuwing isinasagawa ang mga pagdinig. Ang batas na ito’y humihiling lang ng abogado depende sa kaso at mga ibang bagay at magbibigay ng mas mahabang palugit bago gawin ang mga pagdinig. Itong pagbabagong ito ay maipagkakait sa mga parolado ang kanilang karapatang makakamit ng mabilis at makatarungang paghahatol
- Ang pagbabago ng proseso ng restitusyon ay makaaapekto sa pagpopondo ng programang local at pang-estado na nakakatanggap ng mga multa na nakokolekta sa mga may sala
Sinong sumusuporta sa Ika-9 na Mungkahi (Proposition 9)?
Crime Victims United of California, Memories of Victims Everywhere, National Organizations for Victim Assistance (NOVA), National Organization of Parents of Murdered Children (POMC), The Cara Knott Foundation, Jim Costa (CA- District 20), Sen. Jim Nielsen, Sen. George Runner, Assembly Member Sharon Runner
Sinong sumasalungat sa Ika-9 na Mungkahi (Proposition 9)?
Taxpayers for Improved Public Safety (TiPS), California Teacher’s Association (CTA), Service Employees International Union (SEIU)
(Mga Hindi Buong Listahan)