Ika-4 na Mungkahi: Oras ng Paghihintay at Pagpapaalam sa mga Magulang Bago Tapusin ang Pagbubuntis ng Isang Minor de Edad

From Mobilize the Immigrant Vote!

Jump to: navigation, search


Ano ito? –Oras ng Paghihintay at Pagpapaalam sa mga Magulang Bago Tapusin angPagbubuntis ng Isang Minor de Edad. Kung maipasa itong mungkahing ito, magiging iligal sa mga kababaihang mababa sa 18 taong gulang na magpalaglag na walang pahintulot ng duktor sa mga magulang o ligal na tagapangalaga 48 na oras bago gawin ang paglalaglag. Kung mayroong abuso ng magulang na naisumbong, ibang nakatatandang miyembro ng pamilya na lamang ang sasabihan. Sa mga panahon lamang ng emergency gagawa ng pagsasantabi ng prosesong ito. Isang waiver ng pagpapaalam sa magulang ay maaaring ibigay nghukuman abse sa malinaw at kapani-paniwalang ebidensya ng antas ng pagka-magulang ng kababaihan o sa kanya nakabubuting interes.

Kung ito’y pumasa, ang Ika-4 na Mungkahi (Prop 4) ay humihingi na ang mga manggagamot at ang Kawanihan ng Serbisyong Pangkalusugan (Department of Health Services) na i-report ang mga paglalaglag ng mga kabataang kababaihan sa bawa’t county (kasama na ang edad ng kabataang babae, araw ng kapanganakan at haba ng pagbubuntis, bilang ng mga naunang pagbubuntis o paglalaglag, at uri ng proseso). Pinapayagan ang pagmumulta sa mga manggagamot kung ito’y lumabag. Hindi itinukoy ang halaga ng multa.

Ano ang sinasabi ng mga sumusuporta ng Ika-4 na Mungkahi (Proposition 4)? Ang tawag dito ng mga sumusuporta nito ay ang “Child and Teen Safety and Stop Predators Act: Sarah’s Law”.

  • Pinuprotektahan nito ang mga minor de edad sa mga panganib na naidudulot ng mga sinisekretong paglalaglag
  • Pinipigilan nito ang mga sexual na mananamantala na gamitin ang mga sinisikretong paglalaglag upang itago ang pagsasamantala ng mga minor de edad
  • Kasama ang mga eksepsyon sa mga emergency na medikal

Ano ang sinasabi ng mga sumasalungat sa Ika-4 na Mungkahi (Proposition 4)?

  • Tinanggihan na ng mga botante ang dalawang magkatulad na mungkahi
  • Mailalagay ang mga kababaihan sa peligro sa paghahanap ng mga mapanganib na alternatibong pamamaraan upang tapusin ang kanilang pagbubuntis
  • Ipinupuwersa ang mga babae na dumaan sa komplikadong proseso ng hukom upang mapasikutan ang notipikasyon
  • Inililimitahan ang karapatan sa pagka-pribado ng mga kabataang babae

Sinong sumusuporta sa Ika-4 na Mungkahi (Proposition 4)? Don Sebastiani, gumagawa ng alak at dating konserbatibong mambabatas, James Holman, konserbatibong may ari ng isang lathalain, California Catholic Conference, Governor Arnold Schwarzenegger, the Lewanee Trust, the Caster Family Trust

Sinong sumasalungat sa Ika-4 na Mungkahi (Proposition 4)? College of OB/GYN, District IX, California Nurses Association, California Family Physicians, California Family Health Council, Campaign for Teen Safety – No on 4 – A Project of Planned Parenthood Affiliates of California, NOW, the ALCU, NARAL, Feminist Majority Foundation, Equality California, Let California Ring, Committee for a New Economy (Hindi Kabuuang Listahan)

restricted
top banner